Sitwasyong Pangwika

SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET


SOCIAL MEDIA

Ito ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao kung saan sila ay lumilikha at nagbabahagi ng mah impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.

Halimbawa: Facebook, Instagram, Twitter, Tiktok at iba pa.

INTERNET

Limitado lamang ang mga resources o sanggunian na nakalathala sa wikang Filipino sa mga websites, kaya madalas ay ginagamit ang wikang Ingles.


NETIZEN

O ang mga tinatawag na Internet Netizen, Ito ang tawag sa mga taong gumagamit sa

Social Media.


SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT

Ang PILIPINAS ay itinaguriang "Texting Capital of the World". 

Halos humigit kumulang 4 bilyon na text araw-araw ang naipapadala sa ating bansa.

Komunikasyon at Impormasyon ang nakikitang dahilan kung bakit ang mga tao ay naghahangad na magkaroon na nito.

Madalas na gumagamit na ang mga tao ng Taglish (Tagalog-English) upang iparating ang kanilang mensahe, minsan ipinapaikli na ito katulad ng "Okay" na naging "K".


SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR


Malikhain ang wika at maraming bagong paraan sa paggamit ng mga ito. Katulad ng pagsali ng musika sa mga simpleng salita hanggang sa nagkakaroon ng ritmo. Dito nanggagaling ang komposisyong popular.

katulad ng:

FLIP-TOP

Ito ay isinasagawa sa anyong pa-rap na may kalaban o katalo habang nagra-rap. Maiiuugnay ito sa balagtasan ngunit walang isang paksa ang pinagtatalunan.


PICK-UP LINES O HUGOT LINES

Madalas itong ginagamit sa mga nagbibiruang magkaibigan at mga nagkakaibigan. Gumagamit ng mga barayti ng wika at kadalasan ay gumagamit ng wikang Filipino, minsan ay Taglish.


SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO


Isa sa tanyag na media ay ang RADYO.

Halos lahat ng mga istasyon ng radyo ay gumagamit ng wikang Filipino.


samantala, ang DIYARYO ay may dalawang uri nito :

1. BROADSHEET - Pormal ang ginagamit na pananalita at gunagamit ng wikang Ingles. Ito ay madalas na binabasa nga mga propesyunal katulad ng abogado at doktor.

2.TABLOID - Ito ang tinaguriang "Diyaryong Pangmasa" wikang Filipino ang gamit ng tabloid at target nito ay nga mga taong nakakaunawa sa wikang Filipino. Madalas rin makikita ang iba't ibang barayti ng wika sa diyaryong ito.


SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON


TELEBISYON

Ito ang maituturing na pinakamakapangyarihang uri ng media. wikang Filipino ang nangungunang midyum ng wika sa mga lokal na programa ng telebisyon kabilang na dito ay ang mga Primeserye, Teleserye, at Noontime Shows.


Ayon sa pag-aaral isa ito sa dahilan kung bakit 99% ng mga mamamayang Pilipino ang nakakapagsalita sa wikang Filipino dahil sa panonood ng telebisyon. Ito ang patunay na epektibo ito upang mas lalong lumaganap ang ating wikang pambansa.




Comments